Posibleng ideklara na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mga susunod na linggo ang simula ng panahon ng tag-init.
Ayon sa PAGASA, inaasahang mawawala na ang malamig na hangin mula sa China at makakaapekto na lamang ito sa northern at central regions tuwing Sabado at Linggo.
Matapos nito ay saka naman papasok ang panahon ng tag-init kung kailan iiral ang easterlies o mainit na hangin mula sa Dagat Pasipiko.
Noong nakaraang taon ay idineklara ng PAGASA ang simula ng summer sa unang linggo ng Abril.
—-