Pinabulaanan ng kampo ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na sinibak sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kalihim.
Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, hindi nakapasok sa kaniyang tanggapan si Aguirre dahil sumailalim ito sa kaniyang routine check-up.
Nilinaw din ni Balmes na walang pormal na anunsyo mula sa Malacañang hinggil sa pagkakasibak ng Pangulo kay Aguirre.
Nag-ugat ang naturang balita matapos madismaya si Pangulong Duterte sa pagkakabasura ng drug case laban kina Peter lim, Peter Co, Kerwin Espinosa at iba pa.
—-