Pinag aaralan na ng Task Force Bangon Marawi ang pag aari at titulo ng mga lupain ng mga residente sa Marawi City sa gitna ng planong rehabilitasyon sa lungsod.
Ayon kay Assistant Secretary Kristoffer James Purisima, spokesperson ng Task Force Bangon Marawi ikinukunsider nilang i develop ang ilang residential areas partikular na ang bahagi ng military reservation bagamat nagkakaruon pa sila ng negosasyon hinggil dito.
Inihayag ni Purisima na hindi nangangahulugang pag aari na ng mga residenteng una nang pinayagang magtayo ng mga bahay at establishments sa lungsod kahit walang titulo ang mga nasabing lupain.
Pinag aaralan na rin nila kung gaano kalawak ng military reservation ang dapat panatilihin gayundin ang ibibigay sa mga residente.