Binigyan na ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA.
Sa naging cabinet meeting kagabi, iniutos ng Pangulo kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza ang resumption of peace talks.
Ayon kay Dureza, sinabi ng Pangulo na bigyan ng isa pang huling tiyansa ang peace talks ngunit kailangan ay mayroong malinaw na usapan sa pagkakakaroon ng ceasefire agreement upang maiwasan ang pag-atake ng magkabilang panig habang nasa gitna ng usapang pangkapayapaan.
Handa rin aniya ang Pangulo na magkaloob ng suporta kung kinakailangan kapalit ang kinokolektang revolutionary tax ng rebeldeng grupo.
—-