Muling nagpakawala ng missile ang mga rebeldeng Houthi sa Yemen kung saan tinarget ng mga ito ang kumpanya ng langis sa Saudi Arabia.
Napigilan naman ito ng Saudi at na-intercept ang naturang missile.
Bumagsak ang debris sa isang residential area ngunit wala namang napaulat na casualties o napinsala sa naturang pag-atake.
Tiniyak din ng Saudi na ‘di naapektuhan ang suplay ng langis sa bantang pagpapasabog ng mga rebelde.
—-