Nagpaliwanag si Kuya Kim Atienza hinggil sa pagkawala nito sa noon time show na “It’s Showtime”.
Ayon kay Kuya Kim, kailangan niyang palawakin ang kanyang kaalaman bilang Kuya Kim na nakilala bilang “Trivia King” at kapalit ni ka-Ernie Baron.
Sinabi nito na bahagi nito ay ang mga pagbiyahe sa iba’t ibang lugar para sa Matanglawin gaya ng pagtungo nito sa iconic na magbabatok ng Kalinga na si Apo Whang-Od.
Aniya, matagal-tagal na rin siyang hindi nakapagbiyahe para sa kanyang programang Matanglawin.
Maliban dito ay kanya ring napalakas ang kanyang segment sa TV Patrol.
Sa huli sinabi ni Kuya Kim na handa naman siya anumang oras na bumalik sa Showtime kung siya ay kakailanganin.