Posibleng napakawalan sa hindi tamang lugar si Pamana.
Ito ang resulta ng imbestigasyon ng mga otoridad matapos mabaril at masawi si Pamana.
Ayon kay Marcus Joselin Fragada, Regional director ng DENR-11, lumalabas sa mapang pinag-aralan nila na si Pamana ay nasa labas ng protected area ng Mount Hamiguitan sa halip na dapat ay ini-release ito sa pinakadulong bahagi ng kagubatan.
Naging daan aniya ito para ma-target si Pamana ng mga hunter.
Kinuwestyon naman ni Dennis Salvador, Executive Director ng Philippine Eagle Foundation kung bakit nag isyu ng permit ang DENR para sa pag-release kay Pamana kung hindi naman ito pumapabor sa lugar.
By Judith Larino