Tinanggap na ni Pangulong Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ni Department of Justice Sec. Vitaliano Aguirre
“I accepted the resignation of Vit Aguirre, my fraternity brother, as Secretary of Justice,” pahayag ng Pangulo.
Matatandaan na umugong ang mga balita na si Aguirre umano ang nakatakdang sibakin ng Pangulo sa gabinete nito matapos ang naging desisyon ng DOJ na ibaba ang kaso laban sa mga umano’y drug lord na si Peter Lim at ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa.
Kaugnay nito, itinalaga naman ng Palasyo si Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra bilang acting secretary ng DOJ.