Gawin ang tama.
Iyan ang tanging bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte kay acting Department of Justice Secretary Menardo Guevarra.
Matatandaang agad na nanumpa si Guevarra matapos na tanggapin ng Pangulo ang pagbibitiw sa puwesto ni outgoing Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Bago ang pagtatalaga, si Guevarra ay ang kanang kamay ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Malacañang bilang Deputy Executive Secretary.
Nagtapos si Guevarra ng abogasya sa Ateneo de Manila University at naging top 2 sa 1985 bar examinations.
—-