Masusi nang pinaghahandaan ng government peace panel ang pagbubukas muli ng peace talks sa CPP-NDF.
Ayon kay Goverment Chief Negotiator Hernani Braganza, nagtakda na sila ng mga pulong para pag-usapan ang mga preparatory measures sa pagbabalik nila sa negotiating table.
Sinabi ni Braganza na sinimulan na rin nilang makipag-ugnayan sa National Democratic Front of the Philippines partikular sa kanyang counterpart sa negosasyon na si Fidel Agcaoili.
Ceasefire agreement
Kaugnay nito, kumpiyansa ang government peace panel na malalagdaan na ang ceasefire agreement sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines sa sandaling magpatuloy na ang peace talks.
Ayon kay Braganza, tugon ang ceasefire agreement sa isa sa mga sentimiyento ng Pangulong Rodrigo Duterte sa patuloy na pag-atake ng New People’s Army.
Aminado si Braganza na hindi nila maipapangako na hindi magkakaroon ng paglabag sa ceasefire agreement dahil nangyayari rin naman ito sa kahit saang panig ng mundo na mayroong peace talks.
Gayunman, kung matatandaan aniya, noong panahong nag-uusap pa sila ng NDFP ay bihira lamang naman ang mga insidente ng panununog at pag-atake ng NPA hindi tulad noong matigil na ang pag-uusap.
—-