Anumang araw mula ngayon, pormal nang idideklara ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang opisyal na pagsisimula ng tag-init o dry season.
Ito’y dahil sa pabugsu-bugso pa ring umiihip ang hanging amihan o northeast monsoon na una nang naramdaman mula pa noong panahon ng Kapaskuhan o ber months.
Subalit sa mga buwang ito ng Abril at Mayo, marami na sa mga Pilipino ang ninanamnam ang mainit-init na temperatura para makapamasyal “summer feels” na, ika nga.
Noong nakalipas na Semana Santa, habang abala ang marami sa pamamanata, naging pagkakataon na rin ito sa ilan para makapagpahinga mula sa mahabang panahong pagtatrabaho.
Dahil ang Pilipinas ay napalilibutan ng mga isla, tiyak na ang mga destinasyon ng karamihan sa tuwing mararamdaman ang nakapapasong init ng araw ay ang mga dalampasigan.
Kaya naman, maging ang mga banyaga o kahit pa mga lokal na turista, namamangha sa ganda ng Pilipinas.
Tunay ngang nakamamanghang pagmasdan ang pitong libo animnaraan at apatnapu’t isang (7,641) mga isla sa Pilipinas.
Mula Luzon, Visayas at Mindanao, iisa lamang ang tiyak na magiging reaksyon ng mga banyaga sa tuwing sila’y mabibisita sa ating bansa.
Siyempre, kung pag-uusapan ang Pilipinas talaga namang hindi pahuhuli riyan ang ipinagmamalaki ng lahat ang isla ng Boracay.
Kilala ang isla ng Boracay sa mala-gatas nitong buhangin, kristal na tubig at nakabibighaning paglubog ng araw na tiyak na magpapagaan sa inyong pakiramdam.
Masasabing hindi ka Pilipino kung hindi mo anila mapupuntahan ang mga magagandang isla sa ating mahal na Pilipinas.
Pero para sa mga banyaga, hindi ka nakarating ng Pilipinas kung hindi mo pa napupuntahan ang isla ng Boracay.
Pero kamakailan lang, tila nabulabog ang lahat nang marinig ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa isla ng Boracay.
Dahil aniya sa kapabayaan ng mga taga-rito, kaya tinawag niyang cesspool o tapunan ng likidong dumi ang naturang isla.
Kaya samahan po ninyo kami.. ating siyasatin…
Ano nga ba ang mga problemang bumabalot sa mala-paraisong isla ng Boracay?
PAKINGGAN:
Unang Bahagi ng Siyasat
Ikalawang Bahagi ng Siyasat
—-