Dagsa ang mga Katoliko sa Manila Cathedral kahapon para salubungin ang relikya ng yumaong dating Santo Papa ngayo’y santo na si Pope John Paul II.
Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang isang misa kasabay ng pagtanggap nito sa blood relic ng yumaong Santo Papa.
Sinasabing iniregalo ang naturang relikya sa katedral ng dating sekretaryo dating Santo Papa na si Cardinal Stanislaw Dziswisz para sa ika-animnapung anibersaryo ng pagkakatatag muli ng katedral matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.
Kasabay nito, hinimok ni Cardinal Tagle ang lahat ng mga mananampalataya na ipamalita ang mabuting balita gayundin ang kasibak ng Diyos na makapiling ang kaniyang mga anak.
Dapat din aniyang tularan si Saint Pope John Paul II na naging saksi sa katotohanan hinggil sa panginoong muling nabuhay sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa at aral na iniwan sa panahon ng kaniyang buhay sa lupa.
Magugunitang naging malapit ang mga Pilipino sa yumaong Santo Papa na dalawang beses bumisita sa bansa, una ay noong 1981 nang gawin nitong beato ang ngayo’y kauna-unahang Pilipinong santo na si Lorenzo Ruiz gayundin ang pangunguna nito sa World Youth Day noong 1995.