Maglalagay ng dalawang operation centers ang DSWD o Department of Social Welfare and Development sa Aklan.
Ayon sa DSWD, gagamitin ang mga nasabing pasilidad para mas maging madali ang pagpapaabot ng tulong pinansiyal, mga suplay at iba pang serbisyo sa mga residenteng maaapektuhan ng pagsasara ng isla ng Boracay.
Tiniyak pa ng ahensiya ang pagtatalaga ng kanilang mga social workers na tutukoy sa mga usapin at problemang maaaring kaharapin ng komunidad sa Boracay dahil sa pagpapasara rito.
Nangako rin ang DSWD na regular silang magpapalabas ng mga update sa kalagayan ng mga pamilyang maapektuhan ng pagpapasara ng Boracay Island.
Bubuksan ang mga nasabing operation centers simula Abril 26 kung saan isa ang itatayo sa mismong isla ng Boracay habang isa naman ang ilalagay sa harap ng municipal hall sa mainland Aklan.