Sinuspinde pansamantala ng Philippine Airlines ang biyahe ng kanilang mga eroplano patungong Kuwait dahil sa mababang demand ng mga pasahero.
Ayon sa Facebook post ng PAL, epektibo simula Mayo 16 ang suspensyon ng kanilang direct flight patungo at pabalik sa Kuwait.
Noon pa anila mababa ang demand para sa nasabing ruta pero hindi agad nila itinigil ang mga biyahe hangga’t hindi nakukumpleto ang repatriation ng mga OFW doon.
Pinayuhan naman ng PAL ang mga pasaherong may ticket na patungong Kuwait na mag rebook, refund o di kaya’y mag-reroute at sumakay sa ibang airlines.
Sagot ng PAL ang pamasahe sa ibang airlines at wala ring sisingiling bayad para sa rebooking, rerouting at refund.