Umabot na sa 62 ang kaso ng mga batang iniuugnay ang pagkasawi sa kontrobersyal na Dengvaxia dengue vaccine.
Batay ito sa pinakahuling tala ng DOH o Department of Health.
Ayon kay Health Undersecretary Enrique Domingo, nasa 31 sa nasabing bilang ang naisumite na ang record sa Philippine General Hospital Dengue Investigative Task Force para imbestigahan at suriin.
Kabilang naman dito ang unang batch ng 14 na kaso ng mga batang namatay matapos maturukan ng Dengvaxia kung saan lumabas na tatlo lamang sa mga ito ang nasawi dahil sa dengue.
—-