Naghain ng petisyon sa Department of Labor and Employment o DOLE ang nasa anim na labor organizations sa Region VII na humihiling para sa across-the-board wage increase.
Ayon sa Central Visayas Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB, nais ng mga labor groups na dagdagan ng 155.80 pesos ang across-the-board daily wage ng mga ordinaryong manggagawa.
Sinabi ni RTWPB Chair at DOLE Region 7 Director Cyril Ticao, inihain sa kanilang tanggapan ang wage-adjustment petition ng mga grupong Cebu Labor Coalition, Lonbisco Employees Organization, Metaphil Workers Union, Nuwhrain-Montebello Chapter, NLM-Katipunan at Union Bank Employees Association o UBEA.
Sa kabilang banda, nagsumite naman ng hiwalay na petisyon ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines o ALU-TUCP para sa P120 across-the-board daily wage hike.
Bunsod nito, pormal na aniyang naipresenta sa wage board ang lahat ng petisyon para maisailalim na sa public hearing.