Dalawa ang patay habang nasa 20 ang sugatan sa pag-araro ng van sa mga nakaupo sa labas ng isang restaurant sa Muenster City sa Western Germany.
Batay sa ulat ng German police, matapos na sagasaan ng suspek ang mga tao sa labas ng restaurant ay nagpakamatay ito.
Sinabi naman ng interior minister ng North Rhine-Westphalia, walang indikasyon na may kaugnayan sa terorista ang aleman na suspek.
Dagdag dito, pinaghahanap din ng mga German police ang dalawa pang posibleng suspek matapos naman sabihin ng ilang mga testigo na meron silang nakitang dalawang tao na tumalon palabas ng van kasunod ng nasabing insidente.