Pinawi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pangamba ng Philippine Competition Commission o PCC na mawawalan ng kumpetisyon sa merkado kung magiging isa na lamang ang Grab at Uber.
Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, apat pang grupo ang nag-a-apply ng prangkisa para makapasok sa transport network vehicle service o TNVS.
Sa ngayon aniya ay minamadali na ang pagsasaayos ng mga papeles ng mga ito upang makapagsimula ng operasyon kasunod ng acquisition ng Grab sa Uber.
Iginiit ni Lizada na tutol sila na magpatuloy sa hiwalay na operasyon ang Grab at Uber dahil wala nang personalidad bilang TNVS ang Uber dahil expired na ang kanilang accreditation.
Sakali aniyang magkaroon ng aberya, mahihirapan nang maghabol ang sinumang pasahero na naagrabiyado.
—-