Patay ang isa katao habang sugatan ang apat na bumbero sa naganap na sunog sa isang apartment sa Trump Tower sa New York City.
Ayon sa report, naidala pa sa ospital ang di nakilalang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay.
Sinabi ni Fire Commissioner Daniel Nigro na nahirapan sila sa pag-apula ng apoy dahil masyadong malaki ang sunog sa ika-limampung palapag ng gusali.
Hindi pa aniya nila mailalabas ngayon ang kanilang imbestigasyon sa naturang sunog.
Tinatayang humigit-kumulang dalawandaang (200) bumbero ang rumesponde sa sunog na umabot pa sa ika-apat na alarma.
—-