Inilarga na ng mga kumpaniya ng langis ang tapyas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo matapos ang dalawang sunod na linggong pagpapatupad ng oil price increase.
Apatnapung sentimos ang bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina, 30 sentimos naman sa kada litro ng diesel habang wala namang magiging bawas sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Epektibo ala-6:00 ng umaga ngayong araw, ilalarga ng mga kumpaniyang Shell, Petron, Chevron, PTT, Jetti, Total, Flying v, Phoenix at Eastern Petroleum habang una nang nagpatupad ng kaparehong tapyas presyo sa kanilang mga produkto ang kumpaniyang Seaoil dakong alas 12:01 kaninang madaling araw.
Batay sa monitoring ng Department Of Energy (DOE), naglalaro mula 37 hanggang 43 Pesos ang kada litro ng diesel habang mula 43 hanggang 54 Pesos na ang presyo sa kada litro ng gasoline.