Kumbinsido ang Pangulong Rodrigo Duterte na mahahawakan ng mga bansa sa Asya ang kalahati ng gross domestic product o GDP ng buong mundo pagsapit ng 2050.
Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Hainan China matapos dumalo sa Boao China Forum.
Ayon sa Pangulo, napatunayan niya na ang sama-samang pag-angat ng bawat bansa sa Asya ay kayang-kaya nang abutin.
Maging sa Pilipinas aniya ay maituturing na ring reyalidad ang matagal nang pangarap na pag-unlad ng mga Pilipino kung saan mayroong pantay na oportunidad para sa lahat.
Target aniya nila na maibaba pa sa 14 percent ang poverty rate sa bansa pagsapit ng 2022, mula sa 22 percent noong 2015 at panatilihin ang pito hanggang walong porsyentong paglago ng ekonomiya taon-taon.
“Our Build Build Build program will provide a solid backbone for growth, this will continue to breed infrastructure, connect more people and communities and create more jobs, already we have started a 3-year rolling program amounting to over 69 billion until 2022. We are investing on innovations, in government processes and technology and in human development. In 2022, the Philippines sees itself as joining the top 1/3 of the global innovation index.”
—-