Handang handa na ang Senado na gumanap bilang impeachment court sa sandaling mai-akyat na sa kanila ang Articles of Impeachment laban kay Chief Justice On Leave Maria Lourdes Sereno.
Kasunod niyan, tiniyak ni Senate President Aquilino “koko” Pimentel na hindi aniya sila magpapa-impluwensya kahit kaninuman maging kay Pangulong Rodrigo Duterte mismo na nagpahayag na ng pagnanais na patalsikin sa puwesto ang chief justice.
Hinimok din ni Pimentel ang mga kapwa Senador na mag-utak Korte o tularan ang mga hukom sa paraan ng pagpapasya kasunod ng naka-ambang impeachment trial .
Bilang mga hukom ng impeachment court, sinabi ni Pimentel na dapat maging patas at objective ang mga Senador sa paghawak at pagpapasya sa kaso laban kay Sereno na nakabatay lamang dapat sa mga ilalatag na ebidensya.