Hinimok ni Commission on Elections Director at Spokesman James Jimenez ang pamahalaan na ituloy ang 2019 midterm polls.
Ito’y sa kabila ng mga panukalang ipagpaliban ang 2019 elections upang isabay sa isang plebisito para sa itatatag na Federal System of Government.
Ayon kay Jimenez, umaasa sila sa COMELEC na matutuloy ang nasabing halalan.
Samantala, tila nabunutan ng tinik sa lalamunan ang poll body dahil matapos ang serye ng delay ay matutuloy na rin sa wakas ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Mayo 14.
Nanawagan naman si Jimenez sa mga botante na lumahok sa Barangay at Sangguniang Kabataan Polls.