Sumuko na sa kampo Crame ang dating pulis at sinasabing middleman sa 50-million pesos bribery scandal sa Bureau of Immigration na si Wally Sombero.
Iniharap kanina sa media ni incoming PNP chief Oscar Albayalde si Sombero na umano’y bagman ng negosyanteng si Jack Lam.
Kasunod nito ay dinala na sa Sandiganbayan sixth division si Sombero para hintayin ang commitment order ng Korte para malaman kung saan ito ikukulong.
Nahaharap sa kasong plunder si Sombero matapos masangkot sa naturang scandal sa Immigration.
Kahapon ay ikinulong na ang mga dating opisyal ng immigration na sina Al Argosino at Michael Robles na sinasabing mga nanghingi ng 50 million pesos sa negosyanteng si Jack Lam noong 2016 kapalit ng paglaya ng higit 1,000 undocumented Chinese nationals na mga empleyado ni Lam na naaresto sa isang raid sa Clark.
TINGNAN: Wally Sombero (in black shirt) na umano’y bagman ni gaming tycoon Jack Lam at nahaharap sa kasong plunder, sumuko kay incoming PNP chief Oscar Albayalde sa Camp Crame @dwiz882 pic.twitter.com/T1N8VNnkXv
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) April 11, 2018
TINGNAN: Wally Sombero, isinailalim ng CIDG sa booking procedure sa Camp Crame pic.twitter.com/CYfVUDKein
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) April 11, 2018
CIDG, tiniyak na walang ibibigay na special treatment kay Sombero
Tiniyak ng PNP-CIDG na wala silang ibibigay na special treatment kay wally sombero, ang sinasabing middleman sa 50 million peso bribery scandal sa Bureau of Immigration na sumuko kanina sa pnp para sa kasong plunder.
Ayon kay CIDG Dir. Roel Obusan, bagamat dating opisyal ng CIDG si Sombero, tatratuhin pa rin nila ito bilang normal na akusado sa krimen.
Matapos isailalim sa booking procedure, hindi na pinosasan si Sombero nang biyahe itong patungong sandiganbayan para sa commitment order.
Ayon kay Atty. Jesi Lanete, abogado ni Sombero, gusto ng kanyang kliyente na makulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame. May natatanggap kasi aniya itong death threats.
Si Sombero ang sinasabing nagsuhol ng 50 million pesos kina dating Immigration Commissioner Al Argosino at Michael Robles para palayain ang higit isang libong undocumented chinese nationals na mga empleyado ng gaming tycoon na si Jack Lam.
Pero ayon sa kampo ni Sombero, hindi nila ngayon nakakausap si Lam at walang pahiwatig kung susuko rin ito.