Napanatili ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang very good net satisfaction rating sa kabila nang pagbagsak nito ng dalawang puntos.
Ayon ito sa pinakahuling survey ng Social Weather Station kung saan pitumpung porsyento ng mga Pilipino ay satisfied sa performance ng Pangulo at ito ay mas mababa ng isang punto mula December 2017 gross satisfaction rating na 71 percent.
Katumbas ito ng positive 56 net satisfaction rating na bahagyang mababa kumpara sa positive 58 na December rating.
Umaabot naman sa 14% ng mga Pinoy ang dissatisfied at ito ay mas mataas ng isang punto mula sa December survey na 17% para sa undecided.
Ang satisfaction rating ng Pangulo sa Mindanao ay tumaas ng dalawang puntos o positive 82 percent mula sa dating positive 80 na may katumbas na excellent.