Nagkasundo si Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping na bumuo ng isang framework para sa joint exploration sa West Philippine Sea.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, nais ng Pilipinas na balangkasin ang framework sa lalong madaling panahon.
Dapat anyang katanggap-tanggap sa mga Filipino at Tsino ang framework para sa joint oil and gas exploration.
Ipinunto naman ni Cayetano na bukas ang Beijing na talakayin at humanap ng solusyon sa issue ng territorial dispute.
—-