Pinag-aaralan ng Department of Tourism o DOT na paikliin ang panahon ng pagpapasara sa isla ng Boracay para sa rehabilitasyon nito.
Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anim na buwan para bigyang daan ang paglilinis dito.
Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, posibleng sa loob lamang ng apat na buwan ay magawa na ang pagsasaayos sa isla.
Kapag natapos na ang paglilinis sa isla, target naman ng ahensya na limitahan ang mga turistang papayagang pumasok dito kada araw.
Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ang carrying capacity ng Boracay Island na siyang tutukoy sa bilang ng mga turistang papayagan na bumisita sa isla kada araw.
—-