Patuloy ang pag-iikot ni outgoing Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff General Leonardo Guerrero sa iba’t ibang kampo ng militar sa bansa.
Ito ay para magpaalam sa mga tropa sa harap ng kanyang nalalapit na pagbaba sa puwesto sa Abril 18.
Kabilang sa mga nabisita na ni Guerrero ay ang tropa sa Central Command Headquarters sa Camp Lapu Lapu sa Cebu City.
Sa kanyang mensahe, pinapurihan ni Guerrero ang mga unit ng militar sa Visayas sa kanilang mga napagtagumpayan sa internal security operations, counter terrorism, humanitarian and disaster response operations.
—-