Kuntento ang Public Attorney’s Office o PAO sa ipinalabas na draft report ni Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon kaugnay ng kontrobersiya sa Dengavaxia vaccine.
Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, tumugma naman ang nasabing report sa kanilang patuloy na isinasagawang imbestigasyon sa usapin.
Pag-amin pa ni Acosta, nagpaabot na rin aniya ng kagustuhan si dating Health Secretary Paulyn Ubial na maging testigo sa mga kaso kaugnay ng Dengvaxia vaccine.
Ito aniya, ang dahilan kung bakit hindi kabilang sa kanilang sinampahan ng kaso si Ubial.
Dagdag pa ni Acosta, hindi rin nila kinasuhan si dating Health Secretary Ona dahil wala naman aniya itong kinalaman sa naging kontrata ng pamahalaan sa manufacturer ng Dengvaxia na Sanofi Pasteur.
—-