Tinatayang isang libong (1,000) pasahero ang pinababa sa Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3 Santolan-Annapolis Station matapos pumalya ang pintuan ng tren.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng aberya ang MRT-3 pagkatapos itong isailalim sa maintenance noong Holy Week.
Ayon sa anunsyo ng MRT-3 Management, agad ring naisakay ang mga pasahero sa sumunod na tren na dumating makaraan lamang ang apat na minuto.
Isa umano sa mga dahilan ng pumapalyang pintuan ng tren ay ang malimit na pagsandal ng mga pasahero o pagpilit na mabuksan ito.
Hanggang kaninang umaga ay nasa labing lima (15) ang bumibiyaheng tren ng MRT-3.
—-