Paiimbestigahan ng Philippine National Police-Internal Affairs Service o PNP-IAS ang ulat na pitumpung (70) porsyento ng mga pulis na kanilang inirekomendang tanggalin ay nananatili pa rin sa serbisyo.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, ilan sa mga naghain ng kaso laban sa mga pinatatanggal na pulis ang nagreklamong nakikita pa rin nila ang mga ito na naka-uniporme at pumapasok sa trabaho.
Dagdag ni Triambulo, kanilang aalamin kung sino ang responsable sa hindi pagpapatupad ng kautusan.
Batay sa datos ng IAS, mula 2015 hanggang 2017 mahigit pitong daan (700) pa lamang sa halos dalawang libo’t limang daang (2,500) mga kasong kanilang hawak ang na-aksyunan na.
Habang nasa isang daan at limampu’t siyam (159) lamang sa sa mahigit limang daang (500) mga pulis na inirekumendang i-dismiss sa serbisyo ang naipatupad.
—-