Pinag-aaralan na ni Senate Committee on Public Services Vice Chairman JV Ejercito ang pagkakasa ng imbestigasyon para silipin ang aniya’y hindi makatuwirang pagtataas ng singil sa pasahe ng TNC o Transport Network Company na Grab.
Sa panayam ng DWIZ kay Ejercito, sinabi nito na bukas din siya sa panukalang lawakan pa ang kompetisyon upang mabuwag ang tinatawag na monopoly ng Grab sa sektor ng transport network vehicle service.
Magandang magkaroon ng regulation ang LTFRB kung ano ang magiging mekanismo para hindi magkaroon ng ganitong predicament. Dapat magkaroon ng regulation na bago magkaroon ng taas presyo, eh dapat may approval ng LTFRB. Monopoly na ngayon, dati may competition, mas maganda may choice, ngayon wala ng choice. Pahayag ni Ejercito
Kasabay nito, suportado ni Ejercito ang pahayag ng PCC o Philippine Competition Commission na dapat manatili ang Uber bilang direktang ka-kumpetensya ng Grab upang magkaroon ng pagpipilian ang mga Pilipino sa kung ano ang tatangkilikin nito.
Marami na akong complaint na natatanggap, pero dapat na talagang imbestigahan ‘yan at tingnan ulit ‘yan dahil monopoly na eh. It’s already unfair, unfair competition, nasa batas natin na bawal ang monopoly. Paliwanag ni Ejercito