Tumaas ang bilang ng tourist arrival sa Central Visayas noong isang taon.
Ayon sa Department of Tourism o DOT, umabot sa 6.9 milyon ang dumagsang turista sa Central Visayas simula Enero hanggang Disyembre taong 2017.
Ang pagtaas ng bilang ng mga turista ay bunsod ng pagiging aktibo ng mga Filipino sa pagbiyahe sa iba’t ibang destinasyon sa bansa.
Karamihan sa mga turista ay domestic traveler na umabot sa apat na milyon at pangunahin nilang destinasyon ay Cebu, Bohol, Negros Oriental at Siquijor.
Pinakamarami naman sa mga foreign tourist ay Korean na aabot sa halos siyamnaraang libo (900,000) na sinundan ng mga Tsino, apatnaraan dalawampun’t siyam na libo (429,000).
—-