Hindi kasama ang mga pribadong establisyemento sa mga mapopondohan ng labinlimang (15) bilyong pisong rehabilitation fund para sa Marawi City.
Ito’y ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM Assemblyman at Lanao del Sur Crisis Management Committee Chairman Zia Alonto Adiong ay dahil para lamang sa mga imprastraktura at gusaling pagmamay-ari ng gobyerno inilaan ang naturang pondo.
Kaya naman iginiit ni Adiong ang pangangailangan na maipasa sa lalong madaling panahon ang batas para sa mga residenteng apektado ng bakbakan o ang Reparation Act.
Hinimok na aniya ng Task Force Bangon Marawi ang Kamara para bilisan ang pagpasa sa nasabing batas para maka-pakinabang naman ang mga apektadong residente ng Marawi sa tulong na ipamamahagi ng pamahalaan.
—-