Tanggal na bilang miyembro ng National Food Authority Council si Secretary to the Cabinet Leoncio ‘Jun’ Evasco.
Ayon sa Palasyo, awtomatiko nang hindi mapapabilang si Evasco sa konseho ngayong ibinalik na sa Department of Agriculture ang pangangasiwa sa National Food Authority.
Matatandaang si Evasco ang dating chairman ng NFA council bago nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik na ang pamamahala sa NFA sa ilalim ng Department of Agriculture.
Samantala, magiging bagong kasapi naman ng NFA council ang Department of Social Welfare and Development o DSWD.
NFA, tiniyak na hindi na aabutin ng lean months ang pag-susupply ng bigas sa mga rice traders
Hindi na aabutin ng lean months ang pagsu-supply ng bigas ng mga rice traders mula sa Nueva Ecija.
Sinabi sa DWIZ ni NFA spokesman Rex Estoperez na tuluy-tuloy ang pagsu-supply ng bigas ng rice traders hanggang ma-deliver ang mga inangkat na bigas ng bansa.
Kapag nag-stabilize naman, we will concentrate on the establishment of our buffer stock. Hindi na ito aabuti ng lean months. Pahayag ni Estoperez