Kinalma ni outgoing PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa ang mga miyembro ng Special Action Force na dalawang taon nang hindi nakatatanggap ng kanilang subsistence allowance.
Ayon kay Dela rosa, hindi dapat mag-alala ang mga SAF Trooper dahil kumikilos na ang kanilang budget at fiscal officer para ibalik ang mga hindi naibigay na allowance.
Magugunitang kinasuhan ng plunder sa Ombudsman si dating SAF Director Benjamin Lusad at iba pang mga opisyal ng SAF dahil sa hindi paglalabas ng halos 60 Milyong Pisong allowance ng mga SAF Trooper na lumaban sa Marawi City.
Aminado si Dela Rosa na dismayado siya sa nangyari at nakausap na niya ang mga inirereklamo subalit hindi na siya nagbigay pa ng detalye hinggil dito.