Itinakda na Bukas, Abril 19 ang change of command sa Armed Forces of the Philippines.
Papalitan si AFP Chief Of Staff Rey Leonardo Guerrero ni outgoing WESMINCOM Commander Lt/Gen. Carlito Galvez bilang pinuno ng sandatahang lakas ng Pilipinas.
Kaugnay nito, nagtagubilin si Guerrero kay Galvez na tutukan ang seguridad sa buong Mindanao at ang karagatang nakapaligid dito gayundin ang pagsasaayos sa buong sistema at proseso sa AFP.
Para kay Guerrero, kuntento siya sa kaniyang panunungkulan sa loob ng anim na buwan tulad ng pagpapalakas ng professionalism ng mga sundalo.
Kasunod nito, kinumpirma rin ni Guerrero na siya ang uupo bilang bagong pinuno ng Maritime Industry Authority.