Hindi na magtatayo ang Macau-based Galaxy Entertainment Group ng casino sa isla ng Boracay, Aklan.
Ayon kay Tourism Assistant Secretary frederick Alegre, naghahanap na ang Galaxy ng ibang lugar na maaaring pagtayuan ng casino.
Sa sandali anyang makahanap ng ibang venue ang nabanggit na Chinese company ay kailangan pa rin nitong dumaan sa accreditation para muling makakuha ng temporary o provisional authority mula sa PAGCOR.
Gayunman, nilinaw ng Leisure and Resorts World Corporation na patuloy itong nakikipag-usap sa kanilang partner na Galaxy Entertainment at wala pang napagkakasunduang pinal na desisyon sa planong casino.