Nagbitiw na sa pwesto si Labor Undersecretary Dominador Say.
Ayon kay Say, agad tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang resignation na isinumite sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea noon pang Abril 9.
Aminado ang dating opisyal na nais niyang iligtas sa mga akusasyon si Labor Secretary Silvestre Bello the Third na malambot umano ito sa issue ng kontraktuwalisasyon.
Nagpasalamat din si Say kay Pangulong Rodrigo Duterte at Bello sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanya na makapaglingkod sa taumbayan
Samantala, nakatakda namang bumalik sa pribadong sektor ang nagbitiw na opisyal ng Department of Labor and Employment.