Kinuwestyon ng Land Transportation Franchise and Regulatory Board (LTFRB) ang 2 peso per minute charge ng ride-hailing service company na Grab.
Aminado si LTFRB Chairman Martin Delgra na hindi sila inabisuhan ng Grab nang ipatupad ang dagdag singil sa pasahe.
Sa hearing ng LTFRB hinggil sa umano’y hidden charges, pinagpaliwanag ng board ang nabanggit na Transport Network Company kung bakit nito ipinatupad ang panibagong fare scheme simula noong isang taon.
Iginiit ni Delgra mananatili ang kautusan nila noong December 27, 2016 sa ride-hailing services na dapat ay maningil ng flagdown rate na 40 Pesos.
Sa naturang kautusan, pinapayagan ang Grab na maningil ng dagdag 10 hanggang 14 Pesos per kilometer subalit hindi kasama ang travel duration charges.