Isinailalim na sa interogasyon ang tatlong miyembro ng Parojinog Drug Group na naaresto sa La Union.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Fernando City Police sina Manuelito Francisco , ang sinasabing isa sa mga founder ng drug group at ang misis nito na si Ozamis City Councilor Rizalina Francisco.
Kasama din sa mga naaresto ang kanilang anak na si dating Barangay Chairman Jun Francisco.
Ayon kay Chief Superintendent Romulo Sapitula, Regional Director ng Police Regional Office-1, sinabi ng mga nahuling miyembro ng drug group na namamasyal lamang sila sa lalawigan ng Ilocos.
Gayunman , kailangan muna aniya nila itong imbestigahan dahil posibleng gumagawa ang mga ito ng koneksyon sa hilagang Luzon.
Nabatid na kabilang ang tatlong akusado sa high value target drug list na pinaghahanap ng mga otoridad.