Isa nang Kapuso ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith matapos pumirma ng kontra sa GMA Network.
Dumalo sa contract signing ni Jasmine sina GMA chairman at CEO Atty. Felipe Gozon, SVP for GMA Entertainment Content Group Lilybeth Rasonable, SVP for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara at manager nitong si Betchay Vidanes.
Ayon mismo kay Jasmine, excited siyang maging Kapuso at kung ano magiging ‘instore’ sa kanya sa pagiging miyembro ng GMA family.
Inamin ni Jasmine na pinaghandaan niya talaga ang pagiging Kapuso at tinitiyak nila aniyang kapana-panabik ang lahat ng mga palabas niya sa Kapuso sa mga susunod na taon.