Hinimok ng United Broilers Raisers Association ang pamahalaan na imbestigahan ang pagtataas ng presyo ng manok sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Ayon sa presidente ng grupo na si Atty. Elias Jose Inciong, nakapagtataka ang naturang taas presyo lalo’t bumaba pa nga ang presyo ng manok sa mga poultry farm kumpara sa mga nakalipas na buwan.
Iginiit ni Inciong na kailangan tignan ng gobyerno kung anong dahilan ng pagmahal ng manok sa merkado.
Kasalukuyang nasa sampu hanggang 20 piso ang itinaas ng kada kilo ng manok partikular na ang paa, pakpak at pitso.