Mahigpit na i-mo-monitor ng Commission on Elections ang posibleng vote-buying ng ilang mapagsamantalang pulitiko sa may 14 synchronized Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, makakatuwang nila ang mga pulis at sundalo sa panghuhuli ng mga hinihinalang vote buyer subalit ang pagsawata sa aktuwal na vote buying ay kawang ng poll body ang mga election watchdog.
Muli namang inabisuhan ni Jimenez ang mga kandidato na Limang Piso lamang ang kanilang spending limit sa bawat botante sa campaign period.
Inihayag din ng COMELEC Official na kung maipatutupad sana muli ang “money ban” sa pag-wi-withdraw ng malaking halaga ng pera ay maiiwasan ang vote-buying.
Bagaman ipinatupad ang money ban noong May 13, 2013 polls, ipinatigil naman ito sa pamamagitan ng Temporary Restraining Order ng Supreme Court.