Isinasapinal na ng Commission on Elections at Department of Education ang Memorandum of Agreement hinggil sa magiging tungkulin at sahod ng mga public school teachers sa May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, i-a-anunsyo nila sa susunod na linggo ang kompensasyong matatanggap ng mga guro na ibabatay kung ilang araw ang kanilang iginugol na serbisyo sa nasabing halalan.
Bagaman wala pa silang partikular na halaga ng matatanggap ng mga teacher, kumpleto na anya ang bilang ng mga gurong magsisilbi sa Barangay at SK polls.
Nangangailangan ang poll body ng mahigit 530,000 Board of Election Tellers para sa 177,000 polling centers sa buong bansa o tatlong guro sa bawat precinct.