Hindi pa nakakararating sa Douma, Syria ang mga inspektor mula sa Organisation for Prohibition of Chemical Weapons o OPCW.
Ito ang nilinaw ng OPCW taliwas sa mga unang balita na ipinakalat ng Syrian State Media.
Ayon sa OPCW, pumasok ang mga United Nations Department of Safety and Security sa Douma para sa fact-finding mission nito kaugnay sinasabing chemical weapons attack na inilunsad ng Syrian government noong April 7.
Gayunman, umatras ang mga UN security official makaraang paulanan ng bala at pasabugan sa naturang lugar.
Wala namang nasugatan sa naturang insidente at agad nakabalik ang UN sa kabisera na Damascus.
—-