Aabot sa mahigit isang daang (100) mga kandidato ang pinagbawalan nang tumakbo sa halalaan at humawak ng posisyon sa pamahalaan.
Ito ay matapos silang i-disqualify ng Commission on Elections o COMELEC dahil sa kabiguang maghain ng Statements of Contributions and Expenditures o SOCE sa mga nakalipas na eleksyon.
Pagtitiyak naman ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, dumaan sa tamang proseso ang naging pasiya ng ahensiya.
Kasabay nito, pinaalalahanan ni Jimenez ang mga kandidato para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong Mayo 14 na siguraduhin ang paghahain ng SOCE.
—-