Halos apat na milyong kabataan ang nakakaranas ng malnutrisyon.
Ito ayon sa grupong Save The Children Philippines ay dahil hindi nakakakain ng sapat o tatlong beses sa isang araw ang mga nasabing kabataan.
Ipinabatid pa ng grupo na 1.5 milyong kabataan naman ang hindi kumakain sa isang araw dahil walang pambili ng pagkain.
Dahil dito, nanawagan ang grupo sa gobyerno na paigtingin pa ang mga hakbangin para masolusyunan ang malnutrisyon sa bansa.
By Judith Larino