Pinaghahandaan na ng Department of Foreign of Affairs o DFA ang biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuwait sa susunod na buwan.
Ito ay ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano matapos kumpirmahing tuloy na ang pagbisita ng Pangulo sa Kuwait para saksihan ang paglagda sa kasunduang nagsasaad ng karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Pinoy sa nasabing bansa.
Una nang inihayag ni Pangulong Duterte na pumayag na ang Kuwaiti government sa inilatag na kondisyon ng pamahalaan para sa pangangalaga sa mga karapatan ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs sa kanilang bansa.
Samantala, hindi naman malinaw kung aaalisin na ang ipinatutupad na total deployment ban sa Kuwait oras na malagdaan na ang nasabing kasunduan.
—-