Sinupalpal ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang pinakabagong resolusyon ng European Parliament na nananawagan sa Pilipinas na ipahinto ang anti-illegal drugs ng administrasyon.
Ayon kay Cayetano, ibinatay ang resolusyon sa mga “biased”, hindi kumpleto at maling impormasyon na hindi sumasalamin sa tunay na sitwasyon sa bansa.
Ipinaalala ni Cayetano sa mga miyembro ng European Parliament na isang uri ng pakikialam sa internal affairs ng isang sovereign state ang kanilang panawagan.
Sa kabila nito, nilinaw ng kalihim na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pakikipag-ugnayan sa European Union.
—-